Bolts dumaloy ang boltahe, Elite nangisay
Nagsalpak si Ranidel De Ocampo ng krusyal na three-point shot habang kumonekta si Nico Salva ng dalawang free throws sa dulo ng fourth quarter para akayin ang Bolts sa 99-94 panalo kontra sa Elite sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Jun Mendoza/File

Bolts dumaloy ang boltahe, Elite nangisay

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. NLEX vs NorthPort

6:45 p.m. San Miguel vs Ginebra

MANILA, Philippines — Matapos matakasan ng Phoenix ay hindi naman pumayag ang Meralco na malusutan ng Blackwater.

Nagsalpak si Ranidel De Ocampo ng krusyal na three-point shot habang kumonekta si Nico Salva ng dalawang free throws sa dulo ng fourth quarter para akayin ang Bolts sa 99-94 panalo kontra sa Elite sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

“No matter happens you’ve got to stay ready,” sabi ni No. 5 overall pick Trevis Jackson na umiskor ng 18 points para sa Meraclco,  bumangon mula sa na­unang 92-93 overtime loss sa Phoenix noong Miyerkules.

Nagdagdag si guard Mike Tolomia ng 15 mar­kers kasunod ang 14, 13, 12 at 10 points nina Salva, Baser Amer, Cliff Hodge at Reynel Hugnatan, ayon sa pagkakasunod, para sa 1-1 baraha ng Bolts.

Ang triple ni De O­campo at dalawang charities ni Salva ang nagbigay sa Meralco ng 96-88 abante sa huling 1:19 minuto ng final canto.

Nailapit naman ng Blackwater ang laro sa 94-96 mula kina Reymar Jose, Allein Maliksi at Roi Sumang sa nalalabing 12.3 segundo.

Ang dalawang free throws ni Amer at split ni Jackson ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Bolts.

2019 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with