Ito ang unang pagkakataon sa PBA history na winalis ng mga SMC teams ang tatlong torneo sa isang season mula sa epektibong pamamahala ni sports director Alfrancis Chua.
Facebook Photo
Chua pararangalang Executive of the Year
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinomina ng San Miguel Corporation ang nakaraang 43rd season ng PBA kung saan tatlong koponan nila ang nagkampeon sa tatlong komperensya para sa sweep.

Napanatiling suot ng San Miguel ang Philippine Cup title  habang inangkin ng Barangay Ginebra ang Commissioner’s Cup championship at pinagharian ng Magnolia Pambansang Manok ang Governors’ Cup para ipakita ang dominasyon ng organisasyon.

Ito ang unang pagkakataon sa PBA history na winalis ng mga SMC teams ang tatlong torneo sa isang season mula sa epektibong pamamahala ni sports director Alfrancis Chua.

Dahil sa kanyang impresibong trabaho para sa tatlong popular squads ay ibibigay ng PBA Press Corps kay Chua ang Danny Floro Executive Award sa Lunes sa  Annual Awards Night sa pagdiriwang nila ng 25th anniversary na inihahandog ng Cignal TV sa Novotel Manila Araneta Center.

Hindi pa napapangalanan ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year kung saan pinaglalabanan ito nina Leo Austria, Tim Cone at Chito Victolero.

ALFRANCIS CHUA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with