Mainit na sinalubong si Manny Pacquiao ng kanyang mga panatiko sa MGM Grand Lobby sa Las Vegas.
(Wendell Alinea/MP Promotions)
Pacquiao kayang patulugin si Broner
Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

LAS VEGAS -- Hindi minamaliit ni Future Hall-of-Famer Manny Pacquiao ang kakayahan ni American challenger Adrien Broner.

Ito ang sinabi ng 40-anyos na si Pacquiao sa 29-anyos na si Broner, nagkampeon sa 130, 135, 140 at 147 lbs divisions.

“He’s a former champion. He’s a good boxer. And he’s the kind of fighter you cannot underestimate,” wika ni Pacquiao kay Broner.

Hindi naman mahalaga para kay Broner ang mga papuri sa kanya ni Pacquiao, hahamunin niya sa Linggo (Manila time) dito sa MGM Grand.

“I’m just glad that I’m the underdog,” sabi ni Broner sa mga scribes. “I know a lot of people are here to see me lose. I hope I can turn Pacquiao fans to Broner fans.”

Dumating dito si Broner suot ang white at purple outfit at may malalaking alahas at sa likod ng kanyang jacket ay may nakasulat na “About Billions.”

Sa kanyang dalawang kamay ay nakasuot ang diamond-studded Rolex watches, sa leeg niya ay gold necklaces at gold rings naman na kasing laki ng walnuts sa mga daliri.

Nakipag-usap din si Pacquiao, hangad ang kanyang ika-40 knockout win, sa press sa VIP Lounge ng MGM Grand.

Matapos ang ilang minuto ay ginawa niya ang kanyang grand entrance sa hotel lobby kung saan nag-aabang ang mga fight fans niya na naghintay ng dalawang oras.

Sa pag-akyat ni Pacquiao, pinaligiran ng kanyang mga Filipino bodyguards, sa entablado ay pinatugtog ang theme song ng 1976 film “Rocky”.

Nginitian niya ang mga fans kagaya ng kanyang ginagawa at itinaas ang mga kamay.

“I feel like this is my first fight in Vegas,” pagbabalik-tanaw ni Pacquiao sa US debut niya noong 2001.

Patutunayan ni Pacquiao, nakasuot ng blue track suit na may yellow trim, na kaya pa niyang mapabagsak ang isang mas batang boksingero na kagaya ni Broner.

“If they (critics) think that I’m old, they’re wrong. I spar with boxers who are twenty-nine years old,” sabi ni Pacquiao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with