Pinigilan nina Paul Desiderio at Chris Javier ng Elite si Robert Bolick ng Batang Pier sa aksyong ito.
Jun Mendoza
Bolick bida sa panalo ng Batang Pier
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magandang debut ang ginawa ni three-time NCAA champion Robert Bolick para sa Northport.

Nagpasabog ang 23-anyos na tubong Leyte ng 26 points para tulungan ang mga Batang Pier na patumbahin ang Blackwater Elite, 117-91 sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Sinosyohan ng NorthPort ang Barangay Ginebra, tinalo ang TNT Ka­tropa, 90-79  sa pagsisimula ng torneo noong Linggo, sa liderato sa magkatulad nilang 1-0 baraha.

Matapos isara ang halftime bitbit ang seven-point lead, 55-48, pinalobo ng Northport ang kanilang abante sa 72-59 patungo sa pagtatayo ng 83-69 bentahe sa Blackwater galing sa dalawang free throws ni Bolick sa huling 2:05 minuto ng third period.

Binuksan nina Moala Tautuaa at Stanley Pringle ang fourth quarter sa pamamagitan ng isang three-point play laban kay Elite rookie forward Abu Tratter at follow up, ayon sa pagkakasunod, para ibigay sa Batang Pier ang 93-75 kalamangan.

Ang triple ni Bolick ang nagpadyak sa 24-point lead, 100-76 ng Northport sa 8:06 minuto ng final canto na hindi na napababa ng Blackwater.

Ang mahirap na fadeaway ni Bolick ang nag­lagay sa Batang Pier sa 117-89 bentahe para sel­yuhan ang kanilang panalo kontra sa Elite sa natitirang 59.5 segundo ng bakba­kan.

ROBERT BOLICK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with