Dinipensahan ni Jamal Murray ng Nuggets si Stephen Curry ng Warriors.
Curry, Thompson ibinalik ang Warriors sa top spot
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

DENVER -- Muling napa­sakamay ng Golden State Warriors ang top spot sa Western Conference.

Ito ay matapos humataw sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-31 points para pamunuan  ang Warriors sa 142-111 paggiba sa Nuggets.

Nagtala ang Golden State ng NBA record na 51 points sa first quarter patu­ngo sa kanilang pang-limang sunod na arangkada.

Nagtapos naman ang 12-game home winning streak ng Denver.

Ang iniskor na 51 points ng Warriors sa opening quarter ang sumira sa 50 markers na nagawa ng ilang koponan kung saan ang huli ay ang Phoenix Suns laban sa Denver noong Nobyembre 10, 1990.

Kumolekta rin ang Gol­den State, nakahugot kay Kevin Durant ng 27 points, ng 38 assists at nagsalpak ng 21 three-pointers.

Pinangunahan naman ni Malik Beasley ang Denver mula sa kanyang 22 points  habang nalimitahan si Nikola Jokic sa 17 points at 8 assists dahil sa pagkakalagay sa foul trouble.

Sa Philadelphia, humakot si big man Joel Embiid ng 31 points at 13 rebounds at umiskor ang 76ers ng 83 points sa first half sa kanilang 149-107 pagdurog sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang unang pagsagupa ni Jimmy Butler ng Philadelphia laban sa dati niyang koponang Minnesota.

Nagsalpak ang Sixers ng team-record 21 three-pointers.

Sa Milwaukee, kumo­lekta si Giannis Anteto­kounmpo ng 12 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double ngayong season at pangunahan ang Bucks sa 124-86 pagbugbog sa Miami Heat.

Nagdagdag si Eric Bledsoe ng 17 points kasunod ang 16 markers ni Malcolm Brogdon para sa Milwaukee, naipanalo ang 13 sa huli nilang 16 laro simula noong Disyembre 14.

Pinaganda ng Bucks ang kanilang record sa 31-12, ang second-best sa NBA.

Pinamunuan naman nina Justise Winslow at Hassan Whiteside ang Heat (21-21) mula sa kanilang tig-19 points.

Sa Atlanta, naglista si guard Trae Young ng 24 points at 11 assists para banderahan ang Hawks sa 142-126 paggupo sa Oklahoma City Thunder.

Umiskor naman si da­ting Atlanta point guard Dennis Schroder ng 21 points sa panig ng Thunder.

Nagposte si Russell Westbrook ng 31 points at 11 assists para sa Oklahoma City  habang nagdag­dag sina Paul George at Jerami Grant ng 24 at 21 points, ayon sa pagkakasunod. 

GOLDEN STATE WARRIORS STEPHEN CURRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with