Sa kuwento ni Pacquiao, ilang beses na nitong nakita ang kanyang anak na nanonood ng kanyang mga nakalipas na laban.
Anak ni Pacman nahihilig sa boksing
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila susunod sa yapak ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang kanyang panganay na anak na si Emmanuel Jr. o mas kilala sa tawag na Jimuel na nagpakita ng interes sa mundo ng boksing.

Sa kuwento ni Pacquiao, ilang beses na nitong nakita ang kanyang anak na nanonood ng kanyang mga nakalipas na laban.

Mayroon pa aniya itong mga kopya ng ilang laban nito sa kanyang sariling cellphone.

Ilan sa mga laban ni Pacquiao na pinapanood ni Jimuel ang pakikipagbakbakan nito kay Oscar Dela Hoya, Miguel Cotto, Antonio Margarito, Erik Morales at Ricky Hatton.

Bumili pa aniya ng gloves at mouthpiece ang kanyang anak noong nakaraang buwan nang dumating ito sa Los Angeles, California.

Ngunit kung si Pacquiao ang tatanungin, ayaw nitong pasukin ng kanyang anak ang mundo ng boksing.

“I always discourage them from boxing. Hindi sila makakakita ng boxing equipment sa bahay namin,” wika ni Pacquiao.

Nakita pa sina Pacquiao at Jimuel sa isang video na kumalat sa social media na tila nagsasanay sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

At namangha si Pacquiao sa lakas ng kamao ng kanyang anak.  “He’s strong and he has a strong straight,” ani Pacquiao.

Subalit mananatili itong pangarap para kay Jimuel dahil sa ngayon, walang balak si Pacquiao na isulong ang planong ito.

Magkakaalaman na lang sa oras na tumuntong sa tamang edad ang kanyang anak na posibleng sundan ang dugong kampeon ng apelyidong Pacquiao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with