^

PSN Palaro

Manny aatake agad kay Broner

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Manny aatake agad kay Broner
Si Manny Pacquiao sa kanyang pagtakbo.

LAS VEGAS – Hindi ugali ni Manny Pacquiao na magbigay ng prediksyon sa kanyang mga laban.

Kaya ang kanyang ka­­babata at chief trainer na si Buboy Fernandez ang nag­sabing hindi lalampas ng fourth round si American challenger Adrien Broner sa kanilang laban ni Pacquiao sa Linggo (Manila time) dito sa MGM Grand Garden.

Naniniwala si Fernandez na masyadong mabilis at malakas ang 40-anyos na si Pacquiao para sa 29-anyos na si Broner.

 Inihalimbawa ni Fernandez ang pagpapatulog ni Pacquiao kay Ricky Hatton sa second round no­ong 2009 para agawin sa pambato ng Great Britain ang suot nitong IBO super lightweight crown. 

Ayon kay Fernandez, ito rin ang sasapitin ni Broner, may apat na titulo sa apat na weight classes at hindi pa napapabagsak. 

“Baka gigitna ang refe­ree,” wika ni Fernandez sa inaasahan niyang TKO win para kay Pacquiao. “Four rounds.” 

Sa kanilang training camp sa Wild Card Gym sa Los Angeles ay iginiit ni Fernandez kay Pacquiao na kaagad patumbahin si Bro­ner sa opening bell pa lamang. 

“Engage kaagad. Huwag na bigyan ng pagkaka­taon,” ani Fernandez sa ka­nilang gagamiting estra­tehiya ni Pacquiao laban kay Broner. “Kung puwede mong kunin (knockout), ku­nin na sa (first round),.”

Si Fernandez ang pu­malit kay Freddie Roach nang pabagsakin ni Pacquiao si Lucas Matthysse ng Argentina sa seventh round noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa WBA welterweight title.

 Iyon ang unang pagkakataon matapos ang siyam na taon na nakapagtala si Pacquiao ng stoppage win.

Related video:

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with