^

PSN Palaro

Azkals sasalang sa krusyal na laro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Azkals sasalang sa krusyal na laro
Magtatagpo ang Pilipi­nas at Kyrgyzstan sa alas-5:30 ng hapon (alas-9:30 ng gabi sa Manila).

MANILA, Philippines — Puntirya ng Azkals ang importanteng panalo laban sa Kyrgyzstan ngayong ga­bi sa 2018 Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup sa Rashid Stadium sa Dubai, United Arab Emirates.

Magtatagpo ang Pilipi­nas at Kyrgyzstan sa alas-5:30 ng hapon (alas-9:30 ng gabi sa Manila).

Ibubuhos na ng Azkals ang buong puwersa nito upang manatiling buhay ang kanilang tsansang ma­kapasok sa knockout stage.

Lumasap ang Pilipinas ng 0-1 kabiguan sa mga kamay ng two-time champions na South Korea sa ka­nilang unang laro noong Ene­ro 7 sa Al-Maktoum Sta­­dium kasunod ang  0-3 pag­yuko sa China noong Bi­­yernes sa Mohammed Bin Zayed Stadium.

Awtomatikong umusad sa knockout stage ang South Korea at China, ha­bang nasa No. 3 ang Kyr­gyzstan at No.4 ang Pilipinas sa Group C.

“We paid a heavy price (against China) but we are not home yet. We still have hope but small hope, probably,” ani Azkals head coach Sven-Goran Eriksson.

May tsansa pa ang Az­kals dahil ang apat na third-placers sa torneo na may pinakamagandang re­kord ay mabibiyayaan ng pwesto sa knockout stage.

“We have to win the next game. We don’t have to go gung-ho at the beginning, but we know at some point we have to go for it,” dagdag naman ni Azkals ace Phil Younghusband.

May hawak na 2-0 re­kord ang Pilipinas laban sa Kyrgyzstan.

Dalawang beses tinalo ng Azkals ang White Falcons noong 2016.

Una ang 2-1 desisyon ka­sunod ang 1-0 panana­ig sa dalawang friendly games.

Ngunit alam ni Younghusband na ibang usapan na ang Asian Cup.

“We played them twice in the last few years. Played them away, played them home and we got two wins. But this is a different stage, they may have different pla­yers, we have diffe­rent players, it’s a different arena,” ani Younghusband.

Maganda rin ang ini­la­laro ng Kyrgyzstan na na­ka­puntos kontra sa China ngunit natalo, 1-2.

vuukle comment

2018 ASIAN FOOTBALL CONFEDERATION

AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with