^

PSN Palaro

Davis bumida sa Pelicans; Harden nanguna sa Rockets

Pilipino Star Ngayon
Davis bumida sa Pelicans; Harden nanguna sa Rockets
Nag-agawan sa looseball sina Anthony Davis ng Pelicans at Montrezl Harrell ng Clippers.

LOS ANGELES — Naimintis ni Anthony Davis ang una niyang limang tira at umiskor lamang ng 4 points sa  first quarter.

Matapos ito ay nagpa­kita na ang tunay na Davis.

Kumamada si Davis ng 46 points at 16 rebounds, habang nagdagdag si Julius Randle ng 27 mar­kers para pamunuan ang New Orleans Pelicans sa 121-117 panalo laban sa Clippers.

Naisuko ng New Orleans ang itinalang 20-point lead sa third period, ngunit nakabawi naman sa se­cond half para sa kanilang ikalawang road win nga­yong season laban sa isang Western Conference team kagaya ng Los Angeles.

“I was missing some easy shots, but that doesn't discourage me. I just keep shooting the same shots,” sabi ni Davis. “Once I was finding the rhythm they told me to go get the ball.”

Nagtumpok sina Davis at Randle ng pinagsamang 24 sa itinalang 28 points ng Pelicans sa third quarter patungo sa pagtatala ng 20-point advantage.

Ngunit naputol ito ng Clippers sa 88-94 papasok sa fourth period bago tu­luyang maagaw ang una­han sa 101-100 mula sa four-point play ni forward Da­nilo Gallinari.

Isang 15-6 atake naman ang ginawa ng New Or­leans para muling makalayo sa Los Angeles sa 115-106.

Sa Houston, humataw si star guard James Harden ng season-high 57 points para sa 112-94 paggiba  ng Rockets kontra sa Memphis Grizzlies.

Pinalawig ng reig­ning NBA MVP ang kanyang pag­kamada ng 30-point games sa 17 pagsapit ng halftime kung saan siya tumipa ng 36 points sa first half para ibigay sa Houston ang double-digit lead.

Ito ang pinakamahabang 30-point game streak ng isang player matapos ang 20 ni Wilt Chamberlain noong 1964.

Sa San Antonio, humataw si Kemba Walker ng 33 points at ninamnam ni Tony Parker ang kanyang pagbabalik sa San Antonio matapos talunin ng Charlotte Hornets ang Spurs, 108-93.

Tinapos ng Hornets ang seven-game home winning streak ng Spurs.

Nagtala si Parker ng 8 points, 4 assists at 3 re­bounds para sa Charlotte.

Sa New York, humugot naman si guard D’Angelo Russell ng 18 sa kanyang 34 points sa third quarter para akayin ang Brooklyn Nets sa 109-102 panalo la­ban sa bisitang Boston Celtics.

vuukle comment

ANTHONY DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with