Nagpasikat si Manny Pacquiao sa mitts sa kanyang media day workout.
Wen­dell Alinea/MP promotions
Pacquiao pokus sa knockout win
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasentro ang atensiyon ni Manny Pacquiao sa pagdepensa ng kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight crown laban kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kaya naman isang ma­tinding knockout ang ibinigay ni Pacquiao nang tanungin ito tungkol sa mga ulat na maging Pangulo ito ng Pilipinas.

Sa ngayon, wala sa isip ni Pacquiao na maging punong ehekutibo ng bansa.

“A lot of people are sa­ying that I can be the next President. But I'm not t­hinking about that. I don't have plans right now. Whatever path that God gives to me I will fulfill it,” ani Pacquiao sa panayam ng AFP.

Kasalukuyang Senador si Pacquiao sa Pilipinas na nagagamit nito upang tulungan ang kanyang mga kababayan. Malayo aniya ang mundo ng pulitika sa mundo ng sports.

“Being a public servant is different from sports. It's more on the mind and a lot of problems, thinking about how to solve those problems in the country, and also to provide solution to those problems,” aniya.

Nais muna ni Pacquiao na tutukan ang kanyang nalalapit na laban.

Wala rin itong binanggit sa mga posibleng susunod nitong makakalaban partikular na si American undefeated Floyd Mayweather Jr.

“My plan is one at a time. I cannot say about the future until January 19. After that we'll have a press conference. Leave it as a question mark for now,” anang Pinoy champion.

Iginiit ni Pacquiao na hangad nitong mu­ling ma­­ibalik ang ningning ng kanyang pangalan sa mundo ng boksing gaya nang ginawa nito sa mga nakalipas na taon.

Gusto ni Pacquiao na nasa tuktok ng tagumpay bago magretiro.

Nagkita sina Pacquiao at Mayweather sa isang NBA game sa Staples Center noong Martes (Miyerkules sa Maynila).

Hindi naman nag-is­naban ang dalawa.

Kinamayan ni Pacquiao si Mayweather kasabay ng pagtapik sa likod nito. Agad ding umalis sa ve­nue si Manny kasama ang asawang si Jinkee.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with