Sinabi ng basketball federation na pinag-aaralan na nila ang kaso ni Ravena, ngunit walang indikasyon kung ito ay babawasan o hindi na gagalawin.
FIBA pag-aaralan ang kaso ni Ravena
(Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatanggap na si SBP president Al Panlilio ng sulat mula sa FIBA kaugnay sa kanilang apela na bawasan ang bigat ng ipinataw na suspensyon kay guard Kiefer Ravena na matatapos sa Agosto 24.

Sinabi ng basketball federation na pinag-aaralan na nila ang kaso ni Ravena, ngunit walang indikasyon kung ito ay babawasan o hindi na gagalawin.

“We received a letter from FIBA that the appeal is under study,” ani Panlilio.  “We’re sure they’re reviewing each page of the documents we sent.  We lost some time during the holiday season but we’re confident there will be a decision soon and we’re hoping it will be favorable.”

Noong Nobyembre ay nagsumite ang SBP ng formal appeal kasama ang mga dokumento ng mga socio-civic advocacies ni Ravena na tinipon ng kanyang PBA team NLEX. 

Ayon kay Panlilio, mahigpit na sinunod ni Ravena ang termino ng kanyang suspensyon at karapat-dapat na makakuha ng 'reconsideration' mula sa FIBA dahil hindi naman niya sinadya ang pag-inom ng banned substance.

Kung aaprubahan ng FIBA ang apela ng SBP ay maaaring bumalik at maglaro si Ravena sa NLEX.

Ang bagong FIBA secretary-general na si Andreas Zagklis ay iniluklok noong Disyembre 8 bilang kapalit ng pumanaw na si Patrick Baumann. 

Si Zagklis ay dating FIBA’s general counsel at legal services director. 

Ang desisyon naman na patawan ng suspensyon si Ravena ay nagmula kay Eleonora Rangelova, ang presidente ng FIBA disciplinary panel at kailangang dumaan sa legal department bago ito aprubahan noong Mayo.

Sinuspinde si Ravena dahil sa pagiging positibo sa paggamit ng prohibited stimulants na nakita sa kanyang urine samples matapos ang laro ng Gilas laban sa Japan noong Pebrero  25. 

Dahil sa kooperasyon ni Ravena sa investigation ay nagdesisyon ang FIBA na putulin ang suspensyon sa 18 buwan mula sa orihinal na 24 buwan.

Nadiskubre ng FIBA ang stimulants ay nasa energy drink Dust na ininom ni Ravena nang hindi nalalaman na ang mga ingredients nito ay banned substances. 

Plano ni Panlilio na tawagan si Zagklis mula sa FIBA office sa Switzerland.

AL PANLILIO KIEFER RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with