^
Beal sinapawan si Embiid, Wizards lusot sa 76ers
Tinirahan ni Bradley Beal ng Wizards si Wilson Chandler ng 76ers sa aksyong ito sa NBA.

Beal sinapawan si Embiid, Wizards lusot sa 76ers

(Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2019 - 12:00am

WASHINGTON — Matapos bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig sa fourth quarter ay ngumiti lamang si Bradley Beal.

Nalampasan ng leading scorer ang buong lakas ni center Joel Embiid.

Humugot si Beal ng charging foul mula sa Philadelphia center at umiskor ng 14 sunod na puntos para tumapos na may 34 points at tinulungan ang Wizards na talunin ang 76ers, 123-106.

“I don't mind taking charges -- I'm a physical player,” sabi ni Beal. “But with Jojo, it's a little different story. He's a big fella. I'm glad I got a lift in yesterday.”

Nagdagdag si Otto Porter Jr. ng 23 points habang may 17 markers si Trevor Ariza para sa 4-3 record ng Washington sapul nang mawala si All-Star guard John Wall dahil sa injury ngayong season.

Humakot naman si Embiid ng 35 points at 14 rebounds sa panig ng Philadelphia na natawagan ng 23 turnovers at napigilan ang four-game winning streak.

Nagtala si Jimmy Butler ng 23 points at kumolekta si Ben Simmons ng 15 points at 10 rebounds para sa 76ers.

Sa New Orleans, nagpasabog si Anthony Davis ng 38 points at 13 rebounds at humataw ang Pelicans sa second half para pabagsakin ang Cavaliers, 140-126.

Umiskor ang New Orleans ng 41 points sa third quarter kung saan may 18 points si Davis at nagtala ng 40 markers sa fourth period para resbakan ang Cleveland.

Sa Houston, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 27 points at season-high 21 rebounds para banderahan ang Milwaukee Bucks sa 116-109 paggiba sa Rockets.

Nalampasan ng Milwaukee ang 42-point performance ni Houston star James Harden.

Sa Memphis, nagsumite si Marc Gasol ng 26 points at 14 rebounds at tinapos ng Grizzlies ang kanilang six-game slide mula sa 96-86 paggupo sa San Antonio Spurs.

Nag-ambag si Mike Conley ng 15 points at 6 assists para sa Memphis  habang tumipa sina Jaren Jackson Jr. at JaMychal Green ng tig-12 points.

BRADLEY BEAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with