Pinoy cue artists tumamlay ang kampanya
Tanging isang Pilipino player lamang sa ngalan ni 2017 World 9-Ball champion Carlo Biado ang nakapasok sa Top 10 ng World Pool-Billiard Association world ranking sa pagtatapos ng taon.
Jun Mendoza
Pinoy cue artists tumamlay ang kampanya
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang matikas na ratsada noong nakaraang taon, tila lumamya ang kampanya ng Pinoy cue masters sa taong ito.

Tanging isang Pilipino player lamang sa ngalan ni 2017 World 9-Ball champion Carlo Biado ang nakapasok sa Top 10 ng World Pool-Billiard Association world ranking sa pagtatapos ng taon.

Mula sa No. 1 spot noong 2017, nasa ikaapat na puwesto lamang si Biado matapos makalikom ng 14,912 puntos.

Pinakamalaki na ang 8,250 puntos na nakuha nito sa kanyang runner-up finish sa 2018 World 9-Ball Championship na ginanap kamakailan sa Doha, Qatar.

Mayroon din itong 3,050 puntos sa All-Japan Championship, 2,412 puntos sa China Open at 1,200 sa US International Open.

Malayo ang sumunod na Pinoy kay Biado.

Nasa ika-28 lamang si Johann Gonzales Chua na may 6,500 puntos habang ika-29 si Jeffrey Ignacio (6,263), ika-30 si Roland Garcia (6,087) at ika-32 si Jeffrey De Luna (5,599).

Ang iba pang Pinoy sa Top 100 ranking ay sina Dennis Orcollo (No. 38), James Aranas (No. 72) at Lee Vann Corteza (No. 94).

Nanguna sa listahan si Alexander Kazakis ng Greece na may 17,099 points habang ikalawa si reigning World 9-Ball titlist Joshua Filler ng Germany na nagrehistro ng 16,762 puntos at ikatlo si Niels Feijen ng Netherlands na umani ng 15,100 puntos.

Nasa Top 10 sina No. 5 Chang Jung Lin ng Chinese-Taipei (14,716), No. 6 Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei (14,250), No. 7 Shane Van Boening ng Amerika (13,262), No. 8 Fedor Gorst ng Russia (12,001), No. 9 Jayson Shaw ng Great Britain (11,400) at No. 10 Chris Melling ng Great Bri­tain (10,987).

CARLO BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with