Biado kinapos  kay Filler
Umani si Biado ng 10-13 desisyon kay Joshua Filler ng Germany sa finals.
Biado kinapos kay Filler
(Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bigong maipagtanggol ni Carlo Biado ang korona matapos magkasya sa runner-up trophy sa 2018 World 9-Ball Championship na ginanap sa Al-Attiya Sports Arena sa Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Umani si Biado ng 10-13 desisyon kay Joshua Filler ng Germany sa finals.

Umariba agad si Filler na nagrehistro ng 3-0 kalamangan sa umpisa ng laban.

Ngunit nakabalik sa porma si Biado para maitabla ang iskor sa 4-4.

Muling umariba ang German bet nang kunin nito ang 10-7 bentahe bago nakadikit si Biado sa 10-11.

Mula rito, mas naging maingat na si Filler sa kanyang mga pagtumbok upang sunud-sunod na kunin ang dalawang sumunod na racks para makuha ang panalo.

“I played well but the table was a bit bouncy and I was getting frustrated. I was thinking too much about the table and it kind of affected me.  But overall I’m ok with how I played. I only made two or three mistakes and my play was very good. He played really well and he deserves it,” wika ni Biado.

Napasakamay ni Filler ang tumataginting na $40,000  premyo habang hindi naman uuwing luhaan si Biado na naibulsa ang $20,000 konsolasyon. (CCo)

2018 WORLD 9-BALL CHAMPIONSHIP CARLO BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with