Tinapos na ng Hotshots
Tuluyan nang tinapos ng Magnolia ang kanilang championship series ng Alaska matapos sikwatin ang 102-86 panalo sa Game Six at angkinin ang korona ng 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Jun Mendoza

Tinapos na ng Hotshots

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang araw bago ang Pasko ay natanggap na ang mga Hotshots ng kanilang regalo.

Tuluyan nang tinapos ng Magnolia ang kanilang championship series ng Alaska matapos sikwatin ang 102-86 panalo sa Game Six at angkinin ang korona ng 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Itiniklop ng Hotshots ni coach Chito Victolero ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Aces sa 4-2 para makopo ang pang-14 PBA championship.

Huling nagkampeon ang Magnolia noong 2014 PBA Governor’s Cup mula sa paggiya ni two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone at import Marqus Blakely.

Sinimulan ng Hotshots ang laro sa pagtatala ng 12-0 abante patungo sa pagtatala ng 17-point lead, 40-23  sa pamumuno ni import Romeo Travis sa 8:20 minuto ng second quarter.

Gamit naman ang tatlong sunod na three-point shots nina Best Import Mike Harris at Chris Banchero ay nakalapit ang Aces sa 35-42 sa 6:18 minuto hanggang isara ang first half sa 42-60 pagkakaiwan.

Ipinoste ng Magnolia ang 20-point advantage, 85-65  mula sa triple ni Paul Lee, bumitaw ng game winning basket sa 79-78 pagtakas nila sa Game Five, sa 10:29 minuto ng final canto.

At mula rito ay hindi na nakadikit ang Alaska na muling nabaon sa 81-94 sa natitirang 2:07 minuto ng bakbakan.

Nauna nang itinayo ng Hotshots ang 2-0 abante mula sa 100-84 at 77-71 panalo sa Games One at Two, ayon sa pagkakasunod  habang nakatabla ang Aces sa pag-agaw sa 100-71 tagumpay sa Game Three at 90-76 pananaig sa Game Four.

Samantala, plantsado na ang pag­lalaro ni Terrence Romeo para sa mga Beermen.

Kahapon ay inaprubahan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang trade sa pagitan ng TNT Katropa at San Miguel para sa temperemental na three-time scoring champion.

Para makuha si Romeo ay ibinigay ng Beermen sa Tropang Texters sina guard Brian Heruela at forward David Semerad pati na ang isang first-round pick sa 2021 PBA draft.

Halos isang buwan hindi nagpakita ang dating kamador ng FEU Tamaraws sa ensayo at sa Christmas party ng TNT Katropa.

At sa 2018 PBA Rookie Draft noong Linggo ay nagkaroon ng pag-uusap ang mga kampo ng Tropang Texters at Beermen para sa trade kay Romeo.

Nakuha ng TNT Ka­tropa si Romeo, sinasabing hindi kasundo si Ravena at pitong players, mula sa Northport noong Abril matapos makipagsigawan kay mentor Pido Jarencio sa isa nilang quarterfinals game. 

2018 PBA GOVERNOR’S CUP ALASKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with