^

PSN Palaro

Perez top pick ng columbian

Andrew Dimasalang - Pilipino Star Ngayon
Perez top pick  ng columbian
Si No. 1 overall pick CJ Perez kasama ang mga opisyales ng Columbian Dyip at si PBA Commissioner Willie Marcial.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Walang  sorpresang naganap ngayong taon matapos sikwatin ng Columbian Dyip ang inaasahang top pick na si CJ Perez sa ginanap na 2018  PBAAnnual Rookie Draft sa Robinsons Place sa Ermita, Manila.

Kontrapelo ito sa takot at pangamba ng marami na muli nitong ite-trade ang naturang pick gaya ng ginawa nila noong nakaraang taon.

Magugunita na noong 2017 Rookie Draft ay nakuha ng San Miguel ang top overall pick at ginamit ang tsansa upang kunin ang Fi­lipino-German sensation na si Christian Standhardinger.

Sa ngayon, hindi ito nangyari dahil sasandalan ng Columbian ang dating NCAA  MVP na si Perez na maging taga-sagip nila lalot’  kagagaling lang nila sa malamyang 6-win season ngayong taon.

“Dream come true para sa akin ito,” ani Perez. “Maipa-pangako ko lang ‘yung best effort ko at sana matulungan ko yung Columbian.”

Tulad nang inaasahan ay napunta rin si Rayray Parks Jr. sa Blackwater bilang second overall pick habang sinikwat ng Northport si Robert Bolick bilang third overall pick.

Subalit, ang NLEX at Meralco ang gumuluntang sa naturang draft nang kumuha ng mga sorpresang pick sa middle rounds.

Ginamit ng Road Warriors ang fourth pick upang siguraduhin ang University of the Philippines legend na si Paul Desiderio habang ang Filipino-American guard sensation na si Trevis Jackson naman ang kinuha ng Meralco bilang fifth overall pick nito. (ADimasalang)

vuukle comment

COLUMBIAN DYIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with