^

PSN Palaro

Wade sapaw kay James

Pilipino Star Ngayon
Wade sapaw kay James
Nagtapos ang laro na binabantayan ni James ang kaibigang si Wade na naimintis ang mahirap na 3-point attempt sa huling mga segundo ng fourth period.
AFP

LOS ANGELES — Humataw si LeBron James ng 28 points at nalampasan ng Lakers ang ginawang 15 mar­kers ni Dwyane Wade sa second half para sa kanilang 108-105 panalo laban sa Miami Heat.

Nagtapos ang laro na binabantayan ni James ang kaibigang si Wade na naimintis ang mahirap na 3-point attempt sa huling mga segundo ng fourth period.

Sa patunog ng final buzzer ay nagyakapan ang dalawa at nag-usap para sa posibleng final joint chapter ng kanilang mga careers na nagsimula nang parehong umakyat sa NBA noong 2003.

Nagtambal sina Wade at James sa Heat noong 2010 na nagresulta sa dalawang NBA championships sa apat na sunod na NBA Finals ng Miami.

Nakatakda nang magretiro si Wade matapos ang season at nakatanggap siya ng standing ovation mula sa mga fans sa Staples Center bukod pa sa isang tribute video sa first quarter.

Kumamada naman si Kyle Kuzma ng 33 points para pamunuan ang Lakers, naipanalo ang 13 sa huli nilang 17 laro at ang limang sunod sa kanilang home games.

Sa Orlando, nagsalpak si Paul George ng 5-of-6 shooting sa three-point range para umiskor ng 31 points habang nagdagdag si Dennis Schroder ng 23 markers sa 122-113 panalo ng Thunder laban sa bisitang Utah Jazz.

Kumolekta si center Steven Adams ng 22 points sa unang pagtutuos ng dalawang Western Conference rivals matapos sibakin ng Utah ang Oklahoma City, 4-2 sa first round ng nakaraang playoffs.

Nagtala ng malamyang 4-of-18 shooting performance si Russell Westbrook, tumapos na may triple-double sa kanyang 12 points, 11 rebounds at 10 assists para sa pang-15 sunod na pagdomina ng Thunder laban sa Jazz sa regular season sa kanilang tahanan.

 Sa Phoenix, nagpasabog si Tobias Harris ng 33 points at nagsalpak si Patrick Beverley ng dalawang free throws sa huling 33.3 segundo sa overtime para banderahan ang Los Angeles Clippers sa 123-119 panalo laban sa Suns. 

vuukle comment

DWYANE WADE

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with