^

PSN Palaro

Matagumpay ang kampanya ng Team Phl sa EAGA

Pilipino Star Ngayon
Matagumpay ang kampanya ng Team Phl sa EAGA
Ang delegasyon ng Team Philippines matapos ang magandang ipinakita sa 10th BIMPNT-EAGA na idinaos sa Brunei.

BRUNEI -- Napanatili ng mga Davao swimmers ang kanilang bagsik at hin­di rin nagpahuli ang mga ath­letics bets ng Palawan sa pag­tatapos ng kampan­ya ng Team Philippines sa 10th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-Nor­thern Territory-East Asian Friendship Games dito sa Hassanal Bolkiah National Stadium.

Hinirang si Fritz Jun Rod­riguez ng Davao City bi­lang Filipino athlete na may pinakamaraming gold medals na nahakot.

Ito ay matapos niyang  idagdag ang dalawang gin­to sa naunang dalawa bu­kod pa ang isang pilak sa nasabing biennial event na pamamahalaan ng bansa sa 2020.

Naghari si Rodriguez sa men’s 50 meter butterfly sa bilis na 26.72 segundo bago igiya ang men’s 4 x 50 medley relay sa panalo.

Ang isang silver medal ni Rodriguez ay galing sa 4x50m freestyle relay.

Sumisid naman ng gin­to si Lora Micah Amoguis sa women’s 200 meter backstroke sa oras na 2:35.61 bukod pa ang pilak sa 200 meter individual med­ley.

Samantala, matapos ku­nin ang gold medal sa 400 meter run ay dinagda­gan ito ni John Lloyd Caba­lo ng Puerto Princesa City sa pagdomina sa 800 me­ters mula sa kanyang per­sonal best  na 1:57.59.

Kumolekta ang Team Philippines ng kabuuang 12 golds, 11 silver at 14 bronze medals sa ilalim ng Sabah (19-13-10) at Nor­thern Territory (14-11-7).

Pinuri naman ni Philippine Sports Commissioner at Chief de Mission Charles Raymond Maxey ang Brunei para sa matagumpay na BIMPNT-EAGA.

vuukle comment

DAVAO SWIMMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with