“Our guys did a great job executing the defensive game plan,” sabi ni Mave­ricks coach Rick Carlisle. “Which was not an easy game plan because we were chasing guys who are great players 30 to 40 feet away from the basket.”
AP Photo/Ron Jenkins
Mavericks giniba ang Blazers; Jazz pinatumba ang Spurs
(Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

DALLAS — Naglista si rookie sensation Luka Doncic ng 21 points at 9 re­­­bounds at nag-ambag si Wesley Matthews ng 17 mar­kers para pamunuan ang Mavericks sa 111-102 paggiba sa bisitang Portland Trail Blazers.

Ito ang pang-siyam na pa­nalo ng Dallas sa huli ni­lang 11 laro.

“Our guys did a great job executing the defensive game plan,” sabi ni Mave­ricks coach Rick Carlisle. “Which was not an easy game plan because we were chasing guys who are great players 30 to 40 feet away from the basket.”

Kumolekta si center De­Andre Jordan ng 12 points at 17 rebounds para sa Dallas, itinala ang pang-wa­long sunod na home win matapos ang kanilang championship season no­ong 2010-11.

Humugot naman si Damian Lillard ng 25 sa kanyang 33 points sa second half kung saan nagpilit ang Blazers na makalapit.

Isinara ng Dallas ang first quarter sa pamamagitan ng 17-3 atake at itina­la ang double-digit lead ba­go mag­hulog ng 10-0 ata­ke pa­­ra sa ka­ni­lang 92-73 pag­layo sa Portland.

Sa Salt Lake City, umiskor si Donovan Mitchell ng 20 points at kumolekta si center Rudy Gobert ng 18 points at 10 rebounds para pa­munuan ang Utah Jazz sa 139-105 paggupo sa bi­­sitang San Antonio Spurs.

Nagdagdag si Kyle Kor­ver ng 15 points para sa una niyang home game sa pagbabalik niya sa Jazz, ha­­bang tumipa si Derrick Fa­vors ng 14 points.

Pinamunuan naman ni Jakob Poeltl ang Spurs mula sa kan­yang career-high 20 points at nagdagdag sina De­Mar DeRozan at LaMar­cus Aldridge ng tig-16 points.

Nakalapit ang San Antonio sa 53-67 agwat sa pag­sisimula ng third quarter, ngunit matapos ang tat­long minuto ay nagsalpak sina Mitchell at Ingles ng back-to-back 3-pointers para muling ilayo ang Utah sa 84-59.

Sa Miami, humakot si Aaron Gordon ng 20 points at 13 rebounds, samanta­lang tumapos si Nikola Vu­cevic na may 19 points at 10 rebounds para akayin ang Orlando Magic sa 105-90 panalo laban sa Heat.

Nag-ambag si Terrence Ross ng 19 mula sa bench pa­ra sa Magic, tumipa ng 14-for-28 shooting sa three-point range.

Sa Phoenix, nagsalpak si Buddy Hield ng 20 points, habang nagposte si De’Aaron Fox ng 16 points at 7 assists para akayin ang bisitang Sacramento Kings sa 122-105 paggupo sa Suns.

MAVERICKS VS BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with