Reichelt dismayado sa pagkatalo ng Azkals kontra saVietnam
Olmin Leyba (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dismayado si Patrick Reichelt sa ipinakitang laro ng Philippine Azkals sa 1-2 pagyukod sa bisitang Vietnam sa first leg ng semifinal round ng Asean Footbal Federation Suzuki Cup noong Linggo sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

Ayon kay Reichelt, ang nagbigay ng goal para sa Azkals, nagkulang sa depensa ang koponan nang makatabla sa mga Vietnamese sa first half.

“I think we prepared well. It’s the attitude. Attitude was missing everywhere today,” wika ng Fil-German sa isang TV interview matapos ang laban.

Muling lalabanan ng Azkals ang Vietnam sa Huwebes sa Hanoi kung saan kailangan nilang talunin ang Golden Dragon ng dalawang goals para makuha ang makasaysayang finals berth sa Suzuki Cup.

Ang goal ni Reichelt mula sa pasa ni Phil Younghusband bago ang halftime ang nagtabla sa Azkals sa Golden Dragon.

Ito ang unang goal ng national team sa apat nilang semifinals appearances sa Suzuki Cup.

Umaasa si Reichelt na magpapakita ng matibay na depensa ang Azkals sa kanilang ikalawang pakikipagtuos sa Vietnam.

PATRICK REICHELT PHILIPPINE AZKALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with