Lady Chiefs, Lady Red Spikers ‘di bumitaw sa unahan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matikas na pinayuko ng nagdedepensang Arellano University at San Beda University ang kani-kanilang karibal upang muling pagsaluhan ang liderato sa NCAA Season 94 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mabilis na pinatumba ng Lady Chiefs ang Mapua University sa pamamagitan ng 25-15, 25-12, 25-13 desisyon para masungkit ang ikatlong sunod na panalo.

Bida si Nicole Ebuen na kumana ng 15 puntos habang nagsumite sina Carla Donato at Regine Arocha ng pinagsamang 19 hits para pamunuan ang Arellano na nagtatangkang makuha ang three-peat.

Nanaig din ang San Beda kontra sa Lyceum of the Philippines, 25-21, 25-22, 25-16  upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa tatlong pagsalang.

Wala pa ring panalo ang Lady Cardinals sa tatlong laro habang nahulog ang Lady Pirates sa 1-2 marka.

Nakabawi naman ang Lyceum sa men’s division nang talunin nito ang San Beda, 25-22, 25-23, 25-21 para sumulong sa 1-2 baraha.

Parehong nagsumite sina Kier Andrei Tibayan at Sinmart Saporna ng 12 points  para sa Pirates.

 Sa juniors, nanaig ang San Beda high school sa Lyceum sa bendisyon ng 26-24, 25-22, 30-28 desis­yon.

ARELLANO UNIVERSITY NCAA SEASON 94 WO­MEN’S VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with