Fighting Maroons hari ng athletics
(Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matamis na naibulsa ng University of the Philippines ang kampeonato sa men’s division ng UAAP Season 81 athletics championships kahapon sa Philsports oval sa Pasig City.

Tinuldukan ng Fighting Maroons ang 36 taong pagkauhaw nito sa titulo matapos makalikom ng 426 puntos habang nagwakas rin ang walong taong dominasyon ng Far Eastern University na nagkasya sa ikalawang puwesto hawak ang 262 puntos.

Pumangatlo ang University of the East na may 185 puntos.

Sapat na ang 1-2-3 finish ng Fighting Maroons sa 400-meter hurdles, podium sweep sa 800-meter run at gold medals sa 4x100-meter relay at discus throw para makuha ang korona.

“Well, bago ako pumasok, yung pagpili ng head coach, eh isa ito sa ibinigay kong goal sa kanila na after siguro three to four years, ‘yung ina-achieve namin, gusto namin maging champion,” ani UP coach Rio dela Cruz.

Ito ang ika-19 kampeonato ng Fighting Maroons na huling natikman ang titulo noong 1981-82 season.       

Nagreyna naman sa ikalimang sunod na taon sa women’s division ang University of Santo Tomas na nagrehistro ng 338 points  habang pumangalawa ang FEU na may 327 points at ikatlo ang UP na may 203 points.

Itinanghal na men’s rookie-MVP si University of the East long distance specialist James Darrel Orduna na nakaginto sa 10,000-meter run, 3,000-meter steeplechase at 5,000-meter run at tanso naman sa 1,500-run.

Si Louielyn Palmatian ng UST naman ang women’s MVP matapos manguna sa 800-meter at 400-meter run  at naging bahagi ng 4×400-meter relay gold medal team.

Sa juniors division, napasakamy ng UE ang kam­peonato sa boys at girls class. (CCo)

FIGHTING MAROONS UAAP SEASON 81
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with