^

PSN Palaro

Guiao inilabas na ang Gilas Final 12

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Guiao inilabas na ang Gilas Final 12
Hinirang ni Guiao sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Scottie Thompson ng Gin Kings para suportahan sina four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng Beermen.

MANILA, Philippines — Apat na players ng Barangay Ginebra at tatlo mula sa San Miguel ang babandera sa piniling Final 12 ni national head coach Yeng Guiao para sa kampanya ng Team Pilipinas sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Hinirang ni Guiao sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Scottie Thompson ng Gin Kings para suportahan sina four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng Beermen.

Ang iba pang miyembro ng Final 12 ay sina Gabe Norwood at Beau Belga ng Rain or Shine Blackwater big man Poy Erram, Phoenix shooter Matthew Wright at NorthPort point guard Stanley Pringle bilang naturalized player.

Ang nasabing grupo ang isasabak ni Guiao laban sa Kazakhstan bukas ng alas-7:30 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“We surprised them in the Asian Games but now, they’ve scouted us,” sabi ni Guiao sa mga Kazakhs na tinalo ng Natonals, 96-59 sa pangunguna ni Pringle sa nakaraang quadrennial event.

Sa pagsagupa sa bi­gating Iran sa Lunes sa naturang venue ay si 6-foot-8 Fil-German power forward Christian Standhardinger naman ang tatayong naturalized player ng Team Pilipinas, ayon kay Guiao.

Nasa training pool pa rin sina Arwind Santos ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT Katropa at sina cadets Kai Sotto at Ricci Rivero at posibleng maisama ni Guiao sa bagong Final 12 kontra sa mga Iranians.

Hawak ng Pilipinas ang 5-3 kartada sa Group F ng Asian Qualifiers sa ilalim ng Australia (7-1) at Iran (6-2) kasunod ang Japan (4-4) at Kazakhstan (3-5), samantalang nasa Group E ang New Zealand (7-1), Lebanon (6-2), South Korea (6-2) at Jordan (5-3).

Ang Top three teams mula sa dalawang grupo kasama ang best-placed fourth squad ang kakatawan sa Asya para sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

Bago labanan ang mga Kazakhs ay isang shoot around muna ang gagawin ng Nationals bukas ng umaga.

2019 FIBA WORLD CUP

YENG GUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with