Ika-2 dikit tangka ng Altas vs Generals
(Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Perpetual Help System Dalta ang ikalawang sunod na panalo sa men’s at juniors’ division sa pagsabak nito laban sa Emilio Aguinaldo College ngayong araw sa NCAA Season 94 volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Parehong galing sa panalo ang Altas at Junior Altas na namayani sa San Beda Red Spikers, 25-12, 25-23, 25-15 at Cubs, 25-15, 25-13, 25-12, ayon sa pagkakasunod.

Kasalo ng Perpetual sa unahan ng stan­dings ang Emilio Aguinaldo, College of Saint Benilde at San Sebastian Colege-Recoletos.

Ang mag­wawagi sa laban ng Per­p­etual Help at Emilio Aguinaldo sa kanilang bakbakan sa alas-10 ng umaga ang ookupa sa solong pamumuno.

“We just want to make the school, our officials, the Perpetual Help community and our supporters proud, that’s why we always strive for excellence,” ani Altas coach Sammy Acaylar.

Nasungkit ng Las Piñas-based spikers ang anim sa walong huling kampeonato sa liga kabilang ang kanilang matikas na pagkopo sa korona noong Season 93 kung saan tinalo nito ang Arellano University sa finals.

Sa ikalawa naman ang Junior Altas kasama ang Letran at Lyceum of the Philippines.

Pakay ng Junior Altas na saluhan sa unahan ang Junior Chiefs na may imakuladang 2-0 baraha.

Magtatagpo ang Junior Altas at Brigadiers (0-1) sa alas-8:30 ng umaga.

Sa women’s division, nakatakda ang duwelo ng Emilio Aguinaldo at Perpetual Help sa alas-12 ng tanghali kasunod ang laban ng Lyceum at Jose Rizal University sa alas-2. (CCo)

EMILIO AGUINALDO COLLEGE PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with