Ang nasabing triple ni Butler ay kagaya ng kanyang ipinasok sa overtime ng Philadelphia laban sa Charlotte Hornets noong Nov. 17.
AP
76ers umeskapo sa tres ni Butler
(Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2018 - 12:00am

NEW YORK -- Isinalpak ni Jimmy Butler ang isang three-pointer sa natitirang 2.3 segundo para tulungan ang bisitang Philadelphia 76ers na itakbo ang 127-125 panalo laban sa Brooklyn Nets.

Ang nasabing triple ni Butler ay kagaya ng kanyang ipinasok sa overtime ng Philadelphia laban sa Charlotte Hornets noong Nov. 17.

Bumangon ang 76ers mula sa 20-point deficit para resbakan ang Nets.

Tumapos si Butler na may 34 points at 12 rebounds habang humakot si Joel Embiid ng 32 points at 12 boards para sa 76ers.

Pinamunuan naman ni guard D’Angelo Russell ang Brooklyn mula sa kanyang 38 points, 8 assists at 8 rebounds samantalang naglista si  Spencer Dinwiddie ng 31 points galing sa bench.

Kinuha ng Nets ang 118-105 abante matapos ang basket ni Dinwiddie sa 4:57 minuto ng fourth quarter kasunod ang 16-2 atake ng 76ers para agawin ang unahan sa 121-120 buhat sa tres ni JJ Redick sa huling 1:03 minuto ng laban.

Sa Toronto, kumolekta si Kawhi Leonard ng 29 points at 10 rebounds  habang naglista si Kyle Lowry ng 12 points at 10 assists sa 125-115 paggiba ng Raptors sa bisitang Miami Heat.

Nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 17 points at 10 rebounds at tumikada si Pascal Siakam ng 21 points para sa pang-limang sunod na ratsada ng Toronto (17-4).

Kumamada si D­wyane Wade ng season-high 35 points sa panig ng Miami, nakahugot kay Josh R­ichardson ng 19 points. 

JIMMY BUTLER PHILADELPHIA 76ERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with