Lady Chiefs mainit ang simula
Tila hindi apektado ang Lady Chiefs sa pagkawala ng key players nitong sina Jovielyn Prado, Anne Esguerra at Andrea Marzan dahil maraming manlalaro ang nag-step up upang palakasin ang kanilang tangkang three-peat.
Jun Mendoza
Lady Chiefs mainit ang simula
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng Arellano University ang pagdepensa sa titulo matapos walisin ang Jose Rizal University, 25-15, 25-22, 25-22 kahapon sa NCAA Season 94 women’s volleyball competition sa The Arena sa San Juan City. 

Tila hindi apektado ang Lady Chiefs sa pagkawala ng key players nitong sina Jovielyn Prado, Anne Esguerra at Andrea Marzan dahil maraming manlalaro ang nag-step up upang palakasin ang kanilang tangkang three-peat.

Bumandera sina Season 93 Rookie of the Year Necole Ebuen at veteran open hitter Regine Arocha para tulungan ang Arellano na makuha ang buenamanong panalo.

Nakalikom si Arocha ng walong attacks, dalawang blocks at isang ace habang nagdagdag naman si Ebuen ng siyam na attacks at isang ace.

Tumulong sina Carla Donato, Mikaela Juanich at Princess Bello na may pinagsama-samang 17 puntos para sa Lady Chiefs.

Walang nakapagtala ng double figures para sa Lady Bombers kung saan tanging siyam na puntos ang nagawa ni Dolly Versoza at pito naman galing kay Karen Montojo.

Lamang ang Arellano sa lahat ng scoring department kung saan nagtala ito ng 35-26 edge sa attacks, 5-0 sa blocks at 5-3 sa service area.

Sa men’s division, namayani rin ang Arellano sa Jose Rizal sa bendisyon ng 25-21, 25-18, 25-21 demolisyon.

Bida si Christian Dela Paz na umiskor ng 14 points at 12 digs samantalang nagsumite ng tig-siyam na puntos sina team captain Christian Segovia at Jethro Cabillan.

Nakumpleto ng Arellano ang magandang araw nang manaig ang Braves sa Light Bombers, 25-22, 25-21, 22-25, 25-20, para sa 1-0 panimula sa juniors division.

ARELLANO UNIVERSITY NCAA SEASON 94 WOMEN’S VOLLEYBALL COMPETITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with