^

PSN Palaro

Pagsasamang muli nina Roach, Pacman ‘di pa tiyak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pagsasamang muli nina Roach, Pacman �di pa tiyak
Ayaw ni Roach na siya ang gumawa ng “first move” ngunit handa naman ito sakaling kaila­nganin siya ni Pacquiao.

MANILA, Philippines — Wala pang linaw kung muling magsasama sina Manny Pacquiao at Freddie Roach sa training camp para sa nakatakdang pagdepensa ng Pinoy champ sa kanyang WBA welterweight belt laban kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayaw ni Roach na siya ang gumawa ng “first move” ngunit handa naman ito sakaling kaila­nganin siya ni Pacquiao.

Matagal nang hindi nagkikita sina Pacquiao at Roach – ang huli noon pang 2017.

Ngunit handa rin si Roach na tanggapin sakaling wala na itong balak kunin pa ni Pacquiao. Ilang taon ding nagsama ang dalawa kaya’t itinuturing na ni Roach na anak ang tinaguriang Pambansang Kamao.

“I still have never directly spoken to Manny (since 2017). I’m not going to make a move until Manny calls me. I’ve been like a father to Manny for 15 years. If he can’t call me, there will be no deal,” ayon sa panayam ng Sports Illustrated.

Nilinaw naman ni Pacquiao na wala itong masamang tinapay kay Roach.

Kailangan lang aniyang magkaroon ng tamang designasyon sa mga trabaho sa training camp.

Nais ni Pacquiao na si Buboy Fernandez pa rin ang humawak sa overall training nito. Magsisilbing supervisor lamang si Roach na siyang tutukoy sa tama o maling ginagawa sa buong training course.

“I don’t have any problem with Freddie Roach. All I say is that I think the other work in training should be assigned or designated to Buboy Fernandez. Freddie can supervise or instruct Buboy, this is what we’re going to do,” ani Pacquiao.

Mahahati sa dala­wang parte ang training ni Pacquiao – isa sa Pilipinas para sa unang bahagi habang ang huling bahagi ng paghahanda ay idaraos sa Amerika.

Sa oras na tumuntong si Pacquiao sa Amerika, ito ang posibleng tamang panahon na muling pumasok sa eksena si Roach.

Ngunit wala pang pinal na desisyon ang kampo ni Pacquiao dahil nakatakda pa nitong kausapin si Roach sa isang masinsi­nang meeting.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with