^

PSN Palaro

Foton kinaldag ang Cocolife

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Foton kinaldag ang Cocolife
Rumatsada si outside hitter Carla Sandoval ng 17 attacks at isang ace para manduhan ang Tornadoes sa pagkopo ng 5-1 marka.
Jun Mendoza/File

Laro Bukas (The Arena)

2pm Cocolife vs Generika

4:15pm Smart vs F2

7pm Petron vs Foton

 MANILA, Philippines — Nasungkit ng Foton ang ikalimang panalo makaraang kayurin nito ang Cocolife sa pamamagitan ng 25-23, 26-28, 25-21, 25-19 desisyon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Rumatsada si outside hitter Carla Sandoval ng 17 attacks at isang ace para manduhan ang Tornadoes sa pagkopo ng 5-1 marka.

“Malaki yung trust ko sa coaching staff at sa mga teammates ko dahil mga ate ko na sila dun ako nakakakuha ng confidence. Nung last part, sabi namin na kailangan lang na­ming magtiwala sa isa’t isa dahil alam namin na kaya namin,” ani Sandoval na pambato ng University of Santo Tomas sa darating na UAAP volleyball season.

Nakakuha ng suporta si Sandoval kay Ateneo de Manila University team captain Bea De Leon na kumana naman ng apat na aces at dalawang blocks gayundin sina veteran pla­yers Mina Aganon at Maika Ortiz.

Magandang resbak ang panalong ito para sa Foton na lumasap ng straight-set loss sa F2 Logistics noong nakaraang linggo.

Naipako ng Tornadoes ang 51 attacks – mas marami ng anim laban sa Asset Managers – habang dominado rin ng Foton ang net defense matapos kumana ng 10-4 edge sa blocking department.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with