^

PSN Palaro

Heat natusta sa Lakers

Pilipino Star Ngayon
Heat natusta sa Lakers
Pinanood na lang nina Justise Winslow (20) at Rodney McGruder ng Heat ang padakdak na si LeBron James ng Lakers.

MIAMI-- Naghulog si LeBron James ng 51 points laban sa dati niyang koponan para igiya ang Los Angeles Lakers sa 113-97 pananaig laban sa Heat.

Nagtala si James ng 19 points sa first quarter at pina­ngunahan ang Los Angeles sa pagposte ng 21-point lead para hindi na lingunin ang Miami.

“It's always great to be here,” sabi ni James, tinulu­ngan ang Heat na makopo ang back-to-back NBA titles bago bumalik sa Cleveland Cavaliers noong 2014. “We had some not-so-good times, we had more great times, so it's always a respect factor and a love for the people in Miami and especially the people who work here.”

Ang 51 points ay isang season high para kay James at ang pinakamarami niyang iniskor laban sa Miami matapos magposte ng 47 markers.

Binanderahan naman ni Wayne Ellington ang Heat (6-10), naisuko ang ikaapat na sunod na home games, mula sa kanyang 19 points.

Sa San Antonio, kumolekta si center LaMarcus Aldridge ng 24 points at 18 rebounds para ipalasap ng Spurs sa Golden State Warriors ang pangatlong dikit na pagkatalo mula sa kanilang 104-92 panalo.

Nag-ambag si DeMar DeRozan ng 20 points kasunod ang 19 markers ni Rudy Gay para tapusin ang three-game slide ng San Antonio.

Tumipa naman si Kevin Durant ng 26 points  habang nag-ambag si Klay Thompson ng 25 markers sa panig ng Golden State, nahulog sa 2-5 marka matapos maglista ng eight-game winning streak.

Hindi naglaro sina Stephen Curry at Draymond Green para sa Warriors, nagmula sa season-low output na 86-107 pagkatalo sa Houston Rockets.

Sa Washington, humataw si Damian Lillard ng 40 points kasunod ang 25 markers ni C.J. McCullom para akayin ang Portland Trail Blazers sa 119-109 pamamayani sa Wizards.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with