^

PSN Palaro

Bulacan, Parañaque diretso na sa semis

Pilipino Star Ngayon
Bulacan, Parañaque diretso na sa semis
Tinalo ng Bulacan Makabayan ang CamSur Express, 98-85 habang tinakasan ng Parañaque Aces ang Laguna Pistons, 81-80 noong Miyerkules at ang Dasmariñas Ballers, 80-77 noong Sabado para kunin ang top two spots sa team standings.
www.facebook.com/nblphil

MANILA, Philippines — Inangkin ng Bulacan at Parañaque ang top two seeds pati na ang outright semifinals berth sa pagtiklop ng eliminations ng National Basketball League (NBL).

Tinalo ng Bulacan Makabayan ang CamSur Express, 98-85 habang tinakasan ng Parañaque Aces ang Laguna Pistons, 81-80 noong Miyerkules at ang Dasmariñas Ballers, 80-77 noong Sabado para kunin ang  top two spots sa team standings.

 Tinapos ng Bulacan at Parañaque ang eliminations bitbit ang 7-2 baraha kung saan ibinulsa ng Makabayan at Aces ang semifinals outright.

Umiskor sina Dominick Fajardo at Jerick Sumampong ng 22 at 21 points, ayon sa pagkakasunod, para sa panalo ng Bulacan kontra sa CamSur.

Magsisimula ang NBL playoffs bukas sa knockout quarterfinal matches sa Philippine Christian University-Dasmariñas gym kung saan lalabanan ng third-seed Laguna Pistons ang sixth-seed Nueva Ecija Go Bespren sa alas-4 ng hapon at haharapin ng No. 4 CamSur Express ang No. 5 Dasmariñas Ballers sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

NATIONAL BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with