^

PSN Palaro

Niemer muling hahataw sa 2019 PSL grand prix

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Niemer muling hahataw sa 2019 PSL grand prix
Si super import Stephanie Niemer sa kanyang pagsalang para sa F2 Logistics sa PSL.

Kat Bell makakatuwang sa Blaze Spikers

 MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay nakasentro na ang atensyon ng lahat sa Petron Blaze Spikers matapos muling kunin ang serbisyo ng dalawang matitikas na imports para sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix.

Mismong si super import Stephanie Niemer ang nag­kumpirma ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas para ma­kasama ang Blaze Spikers sa nasabing import-laden confe­rence.

Sa kanyang Instagram account ay inihayag ni Niemer na nais niyang tapusin ang ‘unfinished business’ sa Pilipinas kung saan nagtapos lamang bilang runner-up ang Petron sa Grand Prix noong 2016 matapos matalo sa Foton Tornadoes sa Finals.

Kaya naman sabik na si Niemer na muling makasama ang mga teammates niya at ang kanyang mga fans na itinuturing ng super import bilang ‘best fans’ sa kanyang volleyball career.

“In January, I’ll make my way back to the Philippines to play for #Petron I’m excited to get back to playing in front of the best fans with some of my favorites! Same country, same team, different result,” ani Niemer sa kanyang post.

Nagpahiwatig din ang 29-anyos na wing spiker na posibleng ito na ang huling kumperensiyang lalaruan niya bago tuluyang magretiro.

“When it comes to volleyball, I’m not sure what my word means these days, but I believe it’s time for the #swansong,” ani Niemer.

Bahagi si Niemer ng PSL Selection na naging kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Women’s World Club Championship na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakatuwang ni Niemer sa kampanya ng Petron ang isa pang matikas na outside hitter na si Kat Bell na siyang nakasama ng Blaze Spikers nang mabawi nito ang 2018 Grand Prix crown.

Magugunitang nagpasabog si Bell ng 42 puntos sa Game 2 ng Petron-F2 Logistics finals sa Grand Prix.

Pinaplantsa na lamang ng Petron management ang ilang dokumento ni Bell bago siya tuluyang magsimula ng ensayo sa Enero.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

PETRON BLAZE SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with