Iniwanan ni Lou Williams ng Clip­pers si Patty Mills ng Spurs.
L.A. Clippers lusot sa Spurs
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2018 - 12:00am

LOS ANGELES -- Matapos lusutan ang mga bigating Milwaukee Bucks at nagdedepensang Golden State Warriors sa dalawang overtime games ay isinunod naman ng Clippers ang San Antonio Spurs, 116-111.

Isinalpak ni Lou Williams ang go-ahead 3-pointer sa huling 40 segundo ng fourth period para tulungan ang Clippers na itala ang una nilang three-game winning streak ngayong season.

Binanderahan ni Williams ang Clippers mula sa kanyang 23 points kasunod ang 19 at 18 markers nina Danilo Gallinari at Tobias Harris, ayon sa pagkakasunod.

Sa Houston, kasabay ng pakikipaghiwalay kay star forward Carmelo Anthony ay pinatumba ng Rockets ang bisitang Warriors, 107-86.

Naglista si James Harden ng 27 points, 3 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa panalo ng Rockets kontra sa Warriors na sumibak sa kanila sa nakaraang Western Conference Finals.

Nag-ambag si James Ennis III ng 19 points at 5 boards habang may 17 points, 3 assists at 1 steal si Eric Gordon para sa Houston.

Binanderahan naman ni Kevin Durant ang Golden State mula sa kanyang 20 points, 5 rebounds, 2 assists at 1 block sa pagbabalik sa bench ni Draymond Green matapos patawan ng one-game suspension without pay dahil sa kanilang pagtatalo.

Hindi na naman naglaro si Stephen Curry para sa Warriors, may 12-4 record ngayon.

Sa Los Angeles, kumolekta si LeBron James ng 44, 10 rebounds at 9 assists para pamunuan ang Lakers sa 126-117 paggiba sa bisitang Portland Trail Blazers.

Humakot si center LaVale McGee ng 20 points kasunod ang 17 markers ni Brandon Ingram para sa Lakers.

Pinangunahan naman ni guard Damian Lillard ang Portland, naputol ang four-game winning streak, mula sa kanyang 31 points at 11 assists.

CLIPPERS MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with