Petro Gazz iiwas matalo
MANILA, Philippines — Isang krusyal na panalo ang target ng Petro Gazz na maitarak laban sa Ateneo para palakasin ang tsansa nito sa huling Final Four slot sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Maghaharap ang Gazz Angels at Lady Eagles sa alas-6 ng gabi at kung mananaig ang Petro Gazz, makakasiguro ito ng playoff para sa huling tiket sa Final Four.
Nasungkit ng Ateneo (10-3), Creamline (9-2) at BanKo Perlas (9-3) ang unang tatlong silya sa semis kaya’t naiwan sa Petro Gazz (6-5), Pocari-Air Force (5-7) at Tacloban (5-7) ang duwelo para sa natitirang semis spot.
Krusyal din ang laban ng Tacloban at Adamson University sa alas-4 ng hapon.
Kung mananalo ng dalawang beses ang Petro Gazz sa kanilang huling tatlong laro, awtomatiko itong uusad sa semis habang tuluyang malalaglag ang Pocari-Air Force at Tacloban. (CCo)
- Latest