^

PSN Palaro

Alaska puro na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alaska puro na
Dalawang krusyal na three-point play sa huling minuto ng fourth quarter ang isinalpak ni Harris para pamunuan ang Alaska sa 104-102 pagtakas laban sa Meralco sa Game Three ng kanilang semifinals duel sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Ynares Center, Antipolo City)

7 p.m. Ginebra vs Magnolia

MANILA, Philippines — Ipinakita ni import Mike Harris ang kanyang kalibre bilang isang dating NBA veteran.

Dalawang krusyal na three-point play sa huling minuto ng fourth quarter ang isinalpak ni Harris para pamunuan ang Alaska sa 104-102 pagtakas laban sa Meralco sa Game Three ng kanilang semifinals duel sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dinuplikahan ng Aces ang nauna nilang 100-95 panalo sa Game Two para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals series at makalapit sa ika-31 championship appearance.

Ang Meralco ang umangkin sa Game One, 97-92.

Tumapos ang 35-anyos na si Harris na may 31 points, 24 rebunds at 7 assists para sa Alaska, nakabangon mula sa 11-point deficit sa third quarter.

Itinayo ng Bolts ang 64-53 abante sa 8:34 minuto ng third period hanggang maagaw ng Aces ang unahan sa 97-95 mula sa basket ni Harris sa huling 1:26 minuto ng final canto.

Ang ikalawang three-point shot ni Reynel Hugnatan ang nagbigay sa Meralco ng 98-97 bentahe sa nalalabing 1:05 minuto habang nakumpleto naman ni Harris ang kanyang dalawang 3-point play laban kina import Allen Durham at Chris Newsome para sa 103-100 abante ng Alaska sa huling 16.1 segundo.

Matapos ang tirada ni Durham para sa Bolts, kumonekta si Harris ng split sa nalalabing 9.6 segundo para sa panalo ng Aces.

Samantala, may tsansa pang ta­pu­sin ng Magnolia ang kanilang semifinals series ng Barangay Ginebra habang determinado naman ang nagdedepensang kampeon na makatabla at makapuwersa ng Game 5.

Magtutuos ang Hotshots at Gin Kings sa Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Governor's Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nakaiwas ang Ginebra sa tangkang sweep sa kanila ng Magnolia matapos agawin ang 107-103 panalo sa Game Three noong Miyerkules para ilapit sa 1-2 ang kanilang best-of-five semis showdown.

 Sa nasabing kabiguan sa Game Three ay napatalsik si Hotshots mentor Chito Victolero sa huling 5:08 minuto ng fourth period dahil sa pagbato ng bola sa isang referee.

Aminado si Victolero na mahirap dispatsahin ang Ginebra.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR'S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with