^

PSN Palaro

Pacquiao, Broner may pasabog sa press tour

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao, Broner may pasabog sa press tour
Pormal nang ihahayag ang Pacquiao-Broner fight sa Press Tour na magsisimula sa Gotham Hall sa Manhattan, New York sa Nobyembre 19 (Nobyembre 20 sa Maynila).

MANILA, Philippines — Isisiwalat sa Lunes (Martes sa Maynila) ang detalye ng bakbakan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at dating world welterweight titlist Adrien Broner na nakatakda sa Enero 19 sa Amerika.

Pormal nang ihahayag ang Pacquiao-Broner fight sa Press Tour na magsisimula sa Gotham Hall sa Manhattan, New York sa Nobyembre 19 (Nobyembre 20 sa Maynila).

Susundan ito ng isa pang pang press confe­rence sa Waldorf Astoria sa Beverly Hills, California sa Nobyembre 20 (Nobyembre 21 sa Maynila).

Inaasahang iaanunsiyo sa naturang event ang magiging venue ng laban na nauna nang napaulat na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt na kanyang napanalunan matapos itarak ang seventh-round knockout win laban kay Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakatakdang umalis ang Team Pacquiao sa Sabado.

Naniniwala si dating World Boxing Council welterweight champion Danny Garcia na dudumugin ang laban nina Pacquiao at Broner na tinukoy nitong dalawang malalaking pangalan sa mundo ng boksing.

“That’d be a great fight. Those are two big names, Pacquiao and Broner. And I haven’t fought either one of them. It would sell out a stadium and be a big pay-per-view fight. It would make a lot of money,” ani Garcia sa panayam ng Boxing Scene.

Ngunit pumabor ito kay Broner sa usapan kung sino ang mananalo sa laban dahil mas bata ang Amerikanong fighter kumpara sa 40-anyos na si Pacquiao.

vuukle comment

ADRIEN BRONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with