Towns-Wiggins tandem gumana sa Timberwolves
MINNEAPOLIS — Dumiretso ang Minnesota Timberwolves sa kanilang ikalawang sunod na panalo sapul nang i-trade si Jimmy Butler sa Philadelphia 76ers.
Kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 25 points at 16 rebounds samantalang umiskor si Andrew Wiggins ng 23 markers para pamunuan ang Timberwolves sa 107-100 pagdaig sa New Orleans Pelicans.
“We were just playing together,” sabi ni Towns. “We did a great job getting the ball around, getting everyone involved. It was just about having fun and playing with love and enthusiasm.”
Nagdagdag si Jeff Teague ng 14 points at 14 assists para sa Timberwolves, nagtala ng 21-point lead laban sa Pelicans sa second period.
Pinamunuan naman ni E’Twaun Moore ang New Orleans mula sa kanyang season-high 31 points.
Sa Orlando, diniskaril ng Magic ang Philadelphia 76ers debut ni Butler matapos ang 111-106 panalo.
Tumapos si Butler na may 14 points para sa 76ers, kumulapso sa dulo ng fourth period na sinamantala ng Magic para sa kanilang panalo.
Kumonekta si Jonathon Simmons ng isang three-pointer sa huling 8.7 segundo para kumpletuhin ang panalo ng Orlando laban sa Philadelphia.
Naglaro si Butler sa loob ng 33 minuto at nagtala ng 6-for-12 fieldgoal shooting, nahugot ng 76ers ang four-time All-Star noong Lunes mula sa Timberwolves matapos ang isang five-player trade.
Sa Dallas, kumamada si Harrison Barnes ng 19 points at ipinalasap ng Mavericks ang pinakamasamang pagkatalo ng Utah Jazz mula sa kanilang 118-68 tagumpay.
Noong Marso 14, 1979 ay yumukod ang Jazz sa Milwaukee Bucks, 158-102.
Nag-ambag si J.J. Barea ng 14 points.
- Latest