^

PSN Palaro

Red Robins ibinalik sa teritoryo ang korona

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Red Robins ibinalik sa teritoryo ang korona
Halimaw si Paolo Hernandez nang humataw ito ng 33 puntos, 12 rebounds, tatlong blocks, dalawang assists at dalawang steals para tulungan ang Red Robins na maibalik sa kanilang teritoryo ang korona. Ito ang ika-22 kam­peonato ng Red Robins­ sa liga.

MANILA, Philippines — Dinagit ng Mapua High School ang 77-74 panalo laban sa College of Saint Benilde-La Salle Greenhills sa rubber match upang matamis na angkinin ang kampeonato sa NCAA Season 94 juniors basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Halimaw si Paolo Hernandez nang humataw ito ng 33 puntos, 12 rebounds, tatlong blocks, dalawang assists at dalawang steals para tulungan ang Red Robins na maibalik sa kanilang teritoryo ang korona. Ito ang ika-22 kam­peonato ng Red Robins­ sa liga.

Naramdaman din ng husto si Dan Arches na umiskor ng 22 puntos at limang boards habang ang 22 puntos na natitira ay nagawa ng anim na manlalaro kabilang sina Roseler Sarian at Briedyn Smith na may tig-lima.

Itinanghal na Finals MVP si Hernandez matapos maglagak ng ave­rages na 22.0 points, 10.3 rebounds, 2.0 assists, 2.0 blocks at 1.7 steals sa serye.

Pinangalanan namang Coach of the Year si Mapua mentor Randy Alcantara.

Nasayang ang pinagsikapang 18 markers at 11 boards ni Inand Fornillos para sa Junior Blazers gayundin ang 13 ni Joshua David at 11 ni Season 93 Finals MVP Joel Cagulangan.

Tinapos ng Mapua ang best-of-three championship showdown tangan ang 2-1 desisyon.

Nakauna ang Junior Blazers nang kubrahin nito ang 74-69 panalo sa Game 1 bago nakabawi ang Red Robins sa Game 2 sa bendisyon ng 85-76 desisyon.

Matamis na pagresbak ito para sa Mapua na natalo sa La Salle-Greenhills sa finals noong nakaraang taon.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 JUNIORS BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with