Nagtala rin si Harden ng 11 assists habang nagpa­sabog si center Clint Capela ng 24 points, tampok ang ilang slam dunks para sa Rockets, nakahugot kay guard Chris Paul ng 21 points markers.
Harden, Capela gumana sa Rockets
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2018 - 12:00am

DENVER-- Kumamada si James Harden ng 19 sa kanyang 22 points sa se­cond half para pamunuan ang Houston Rockets sa 109-99 pananaig laban sa Nuggets.

Ipinalasap ng Houston ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Denver.

Nagtala rin si Harden ng 11 assists  habang nagpa­sabog si center Clint Capela ng 24 points, tampok ang ilang slam dunks para sa Rockets, nakahugot kay guard Chris Paul  ng 21 points markers.

Naglaro ang Houston na wala si forward Carmelo Anthony, sinasabing balak i-trade ngayong buwan, sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Pinamunuan naman ni Monte Morris ang Denver, nalasap ang pang-walong dikit na kabiguan sa kanilang duwelo ng tropa ni Harden, mula sa kanyang 19 points kasunod ang tig-15 markers nina Gary Harris at Jamal Murray.

Ang step-back shot ni Murray ang naglapit sa Nuggets sa four-point deficit sa kaagahan ng fourth quarter bago humataw si Harden ng 11 sunod na puntos sa panig ng Rockets para sa kanilang 104-91 bentahe sa huling 3:48 minuto nito.

Sa Cleveland, tumipa si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 24 points, samantalang kumolekta si center Tristan Thompson ng  21 rebounds at 11 points para akayin ang Cavaliers sa 113-89 panalo kontra sa bisitang Charlotte Hornets.

Tinapos ng Cleveland (2-11) ang kanilang five-game losing skid para sa kanilang unang panalo matapos manaig laban sa Atlanta Hawks noong Oct. 30.

Hindi naglalaro para sa Cleveland sina forwards Kyle Korver (sore right foot) at Cedi Osman (back spasms).

Nalimitahan si Kemba Walker, ang NBA third-leading scorer, sa season-low na 7 points matapos magtala ng average na 27.9 points per game para sa Hornets.

HOUSTON ROCKETS JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with