Dahil sa kanilang ikalawang panalo laban sa Green Archers sa taong ito, nasungkit ng Fighting Maroons ang ikatlong Final Four berth.
/www.facebook.com/plaridel.dlsu
UP abante sa semis
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na pinalampas pa ng University of the Philippines Fighting Maroons ang pagkakataon na pumasok sa Final Four matapos muling padapain ang De La Salle Green Archers, 97-81 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament  sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil sa kanilang ikalawang panalo laban sa Green Archers sa taong ito, nasungkit ng Fighting Maroons ang ikatlong Final Four berth.

Ito pa lang ang unang pagpasok ng UP sa semis simula noong 1997.

Bagama’t nagtabla sa 8-6 win-loss slate ang Green Archers at Figh­ting Maroons, inangkin ng UP ang ikatlong tiket sa semis dahil sa kanilang dalawang beses na panalo sa Taf-based dribblers sa eliminations.

Sa unang laro, mu­ling tinambakan ng nagdedepensang Ateneo Blue E­agles ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 106-62 upang ipakita ang kanilang kahandaan sa Final Four na magsisi­mula sa susunod na linggo.

Umani ang Ivorian 6’10 center na si Angelo Kouame ng 22 puntos, siyam na rebounds at dalawang steals habang si William Navarro ay tumulong ng 17 puntos, limang rebounds, dalawang assists at isang steal upang patunayan ang kanilang mastery sa Grow­ling Tigers na kanila ring nilampaso sa first round ng elims, 85-53 noong Sept. 29.

“We’re happy with the win because one of the first things we told the team is that coach Tab Baldwin wasn’t there, but his system is already in place,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arrespacochaga na siyang humalili sa bench dahil nagkasakit ang head coach na si Baldwin.

Sa umpisa pa lamang umarangkada agad ang Blue Eagles ng 16-0 run na lomobo sa 34-13 bentahe sa unang yugto.

Mula rito naging lopsided na ang laro upang angkinin ang pitong sunod na panalo at pang-12th overall sa 14 laro.

Kahit bigong pumasok sa semifinal round, ma­ningning pa rin ang kam­panya ng Tigers na uma­ngat sa sixth spot sa kanilang  5-9 win-loss kartada na mas maganda sa kanilang 1-13 record noong nakaraang taon.

PHILIPPINES FIGHTING MAROONS SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with