Namamayagpag ang Foton at Petron hawak ang parehong 4-0 baraha.
www.facebook.com/superligaphilippines
Foton magsosolo sa unahan vs F2
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng Foton na makuha ang solong pamumuno sa pagpalo nito kontra F2 Logistics sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Tornadoes at Cargo Movers sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Smart Giga Hitters at Cocolife sa ala-1:30 ng hapon at ng Generika-Ayala at Sta. Lucia Realty sa alas-4:15.

Namamayagpag ang Foton at Petron hawak ang parehong 4-0 baraha.

Ngunit wala sa isip ng Tornadoes ang pagiging kumpiyansa.

“Honestly, I don’t want to think about our opponent. We will still prepare, but we will focus more on ourselves, on the things we can improve on rather than the things we don’t have control of,” ani Foton rookie mentor Aaron Velez.

Halos hindi maramdaman ang pagkawala nina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na parehong naglalaro sa commercial league sa Japan matapos kubrahin ng Foton ang apat na sunod na panalo.

Kabilang na rito ang 26-24, 25-15, 25-19 demolisyon ng Tornadoes sa Giga Hitters sa kanilang huling laro para saluhan ang Petron sa unahan ng standings hawak ang magkatulad na 4-0 baraha.

Mapapalaban ang Tornadoes dahil galing sa dalawang sunod na kabiguan ang Cargo Movers na nalaglag sa 3-2 marka.

Papalo para sa F2 Logistics sina Cha Cruz-Behag, Ara Galang, Aby Maraño, Majoy Baron at Kim Fajardo.

F2 LOGISTICS PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with