^

PSN Palaro

Foton sumosyo sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Foton sumosyo sa liderato
Nasandalan ng Foton si outside hitter Mina Aganon na nagtala ng 13 puntos mula sa siyam na attacks at apat na aces habang nag-ambag si team captain Maika Ortiz ng 10 attacks at isang block.
Joey Mendoza/File

Laro Bukas (The Arena)

2pm Smart vs Cocolife

4:15pm Generika vs Sta. Lucia

7pm Foton vs F2

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na harurot ng Foton nang putulan nito ng signal ang Smart Giga Hitters sa bisa ng 26-24, 25-15, 25-19 desisyon para sumalo sa No. 1 spot sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Foton si outside hitter Mina Aganon na nagtala ng 13 puntos mula sa siyam na attacks at apat na aces habang nag-ambag si team captain Maika Ortiz ng 10 attacks at isang block.

“Sobrang saya hindi namin ini-expect (yung 4-0). We just played our game. Positive lang kami sa team namin ngayon. Hindi namin inaaalala yung errors namin,” ani Ortiz.

Nasungkit ng Tornadoes ang ikaapat na sunod na panalo para samahan sa unahan ng standings ang Petron na may parehong malinis na 4-0 rekord.

Nabangasan pa ang Tornadoes nang magtamo ng injury si starting opposite hitter Mae Layug sa kalagitnaan ng first set.

Ngunit hindi naman ito naging balakid matapos mag-step up ang iba pang miyembro ng tropa.

Sa unang laro, ginulantang ng Generika-Ayala ang F2 Logistics, 19-25, 25-22, 25-16, 28-26 desisyon.

vuukle comment

FOTON

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with