^
Asian Para Games, YOG medalists tatanggap na ng cash incentives
Tumataginting na P28 milyon ang ipamamahagi ng Philippine Sports Commission base sa nakasaad sa R.A. 10699 o mas kilala sa tawag na “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.”
File Photo

Asian Para Games, YOG medalists tatanggap na ng cash incentives

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Igagawad ngayong araw ang insentibo ng mga atletang nakasungkit ng medalya sa Asian Para Games at Youth Olympic Games sa programang idaraos sa Malacañang Palace.

Tumataginting na P28 milyon ang ipamamahagi ng Philippine Sports Commission base sa nakasaad sa R.A. 10699 o mas kilala sa tawag na “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.”

Nangunguna sa lista­han sina Asian Para Games most bemedalled swimmer Ernie Gawilan at YOG kiteboarding silver medalist Christian Tio.

“The instructions of the President is inclusi­vity in sports. This is one good proof that we have started the journey along that road,” ani PSC Chairman William Ramirez na makakasama sa programa si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Tatanggap si Gawilan ng P4 milyon matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak sa 2018 Asian Para Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia habang magkakamit naman si Tio ng P2.5 milyon matapos umani ng pilak sa Youth Olympics na idinaos naman sa Buenos Aires, Argentina.

Nag-uwi ang Pilipinas ng 10 ginto, walong pilak at 11 tansong medalya sa Asian Para Games para tumapos sa ika-11 puwesto.

May pinakamaraming ginto ang chess na nakasiguro ng lima habang may tatlo ang swimming at tig-isa naman ang bowling.

Ilan pa sa gagawaran ng insentibo sina para-bowler Kim Ian Chi, para-cyclist Arthus Bucay, FIDE Master Xander Severino ng chess, table tennis ace Josephine Medina at iba pang meda                                                             lists sa Para Games.

ASIAN PARA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with