^

PSN Palaro

Ateneo sinelyuhan ang twice-to-beat

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ateneo sinelyuhan  ang twice-to-beat
Isang acrobatic shot ang ginawa ni Thirdy Ravena ng Ateneo para makaiwas sa supalpal ni Justine Baltazar ng La Salle.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naugusan ng nag­de­pen­sang Ateneo ang karibal na La Salle sa hu­ling yugto para angkinin ang 71-62 panalo kaha­pon upang ma­sungkit ang unang twice-to-beat advantage sa Final Four sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP  men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Matapos ang dikit na laban sa unang tatlong yugto, umarangkada sina Tyler Tio, Angelo Kouame, Thirdy Ravena at Raffy Verano ng 17-12 run sa huling yugto para padapain ang Green Archers sa ikalawang pagkakataon sa season na ito.

Sa panalo ng Ateneo, nabigyan din ng libreng sakay ang Adamson Soa­ring Falcons sa twice-to-beat edge sa semifinal round habang ang Green Archers ay bumaba sa 8-5 slate.

Posible pang magkaroon ng three-way tie mula sa third spot hanggang sa fifth spot kung mananalo ang UP Fighting Maroons laban sa Green Archers sa Biyernes at kung magwawagi ang FEU sa  A­damson sa Nov. 18.

Sa senaryong ito tatapos ang Tamaraws, Green Archers at Fighting Maroons sa elimination round sa parehong 8-6 record.

Tumapos si Ravena ng 14 puntos at 11 rebounds habang si Kouame ay gumawa ng 11 puntos at 10 rebounds at siyam na puntos na may kasamang anim na rebounds naman mula kay Raffy Verano

Sa iba pang laro, ayaw magpaiwan ng Tamaraws matapos patumbahin ang National University Bulldogs, 79-74  upang muling makisosyo sa fourth spot ng standing.

Umani si Arvin Tolentino ng 16 puntos, anim na rebounds at dalawang assists habang si Kenneth Tuffin ay tumulong ng 15 puntos, limang rebounds at dalawang steals para umangat muli ang Tamaraws sa sosyohan sa fourth spot kasama ang University of the Philippines Figh­ting Maroons sa parehong 7-6 win-loss kartada.

Naging dikit pa ang laban sa unang yugto, 19-18  ngunit nagbitiw sina Tolentino, Tuffin at LJ Gonzales ng 25-10 run upang simulan ang paglayo tungo sa kumbinsidong panalo at manatiling buhay ang pag-asang pumasok sa Final Four.

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with