Adamson Soaring Falcons laban sa UST Growling Tigers
www.facebook.com/SMARTSportsPhilippines
Adamson tangka ang twice-to-beat
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Adamson Soaring Falcons na lumapit sa isang hakbang tungo sa twice-to-beat advantage sa Final Four sa pagharap kontra sa nangungulelat na UE Red Warriors habang asam ng UP Fighting Maroons ang solo fourth spot sa pakikipagtagpo laban sa UST Growling Tigers nga­yon sa pagpapatuloy ng  Sea­son 81 UAAP men’s  bas­ketball tournament  sa Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Soa­ring Falcons (9-3) at Red Warriors (1-11) sa alas-2 ng hapon at susundan ng laban ng Fighting Maroons (6-6) at Growling Tigers (5-7) sa alas-4 ng hapon.

Kailangan ng Soaring Falcons na magwagi laban sa Red Warriors para makopo ang pang-sampung pa­nalo sa 13 laro at lumapit sa twice-to-beat edge na ayon kay coach Franz Pumaren, isang malaking bentahe sa labanan sa Final Four.

“We are happy to reach the Final Four, but we’ve been doing that for the last two years. Hopefully, we can improve our finish this year,” sabi ni coach Puma­ren, hangad ang kanilang pagpasok muli sa semis sa ikatlong pagkakataon sa season na ito.

Sariwa pa rin sa isip ni Pumaren ang kanilang dalawang sunod na semifinal appearances, ngunit dalawang ulit din silang  hindi nakaligtas sa mga kamay ng De La Salle Green Archers matapos matalo sa Game 1  pa lamang.

Pinayuhan din ni Pu­maren ang kanyang koponan na huwag  ma­ging kampante sa laro dahil naghahangad din ang sibak ng Red Warriors ng magandang pagtatapos sa elimination.

 Sa una nilang pagharap ay tinambakan ng Adamson ang UE, 90-76 sa first round noong Sept. 19. 

ADAMSON SOARING FALCONS SEA­SON 81 UAAP MEN’S BAS­KETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with