Lalarga ang bakbakan ng Lady Eagles at Perlas Spikers sa alas-6 ng gabi habang masisilayan din ang engkuwentro ng Petro Gazz at Tacloban sa alas-4 ng hapon.
www.facebook.com/Ateneo-Lady-Eagles-Blue-Spikers
Lady Eagles gusto nang dumapo sa semis vs Perlas Spikers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng Ateneo na maipormalisa ang pagpasok sa semis sa pakikipagtipan nito sa BanKo Perlas ngayong araw sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Lalarga ang bakbakan ng Lady Eagles at Perlas Spikers sa alas-6 ng gabi habang masisilayan din ang engkuwentro ng Petro Gazz at Tacloban sa alas-4 ng hapon.

Namamayagpag ang Ateneo na may 9-2 marka para solong okupahan ang No. 1 spot.

Nakabuntot sa ikalawa ang BanKo Perlas at Creamline na may magkatulad na 7-2 baraha.

Hangad ng Lady Eagles na makaresbak sa Perlas Spikers sa kanilang shutout loss noong Oktubre 7.

Matinik ang frontline ng Ateneo tampok sina Kat Tolentino, Bea de Leon at Maddie Madayag--ang tatlong top scorers ng kanilang tropa--kasama pa sina Vanessa Gandler, Jules Samonte at playmaker Deanna Wong.

Ngunit mapapalaban ang Lady Eagles dahil nagtataglay din ang Perlas Spikers ng mabagsik na lineup sa pangunguna ni dating Ateneo standout Dzi Gervacio.

BANKO PERLAS PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with