Pinangunahan ni Sean Manganti ang Soaring Falcons sa kanyang 22 puntos, pitong rebounds, apat na assists at dalawang steals habang si Simon Camacho ay tumulong ng 15 puntos, dalawang rebounds, dalawang assists, tatlong steals at isang blocks para masungkit ang pang-siyam na panalo sa 12 laro at sumunod sa nagdepensang Ateneo Blue Eagles sa semis.
www.facebook.com/SMARTSportsPhilippines
Adamson ikinasa ang semis
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang Adamson Soaring Falcons at pina­taob ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 96-83  para pormal na pumasok sa Final Four kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament  sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Sean Manganti ang Soaring Falcons sa kanyang 22 puntos, pitong rebounds, apat na assists at dalawang steals habang si Simon Camacho ay tumulong ng 15 puntos, dalawang rebounds, dalawang assists, tatlong steals at isang blocks para masungkit ang pang-siyam na panalo sa 12 laro at sumunod sa nagdepensang Ateneo Blue Eagles sa semis.

Malakas na rin ang tiwala ni coach Franz Pumaren na makopo ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage habang ang Growling Tigers ay bumaba sa 5-7 win-loss kartada at kailangan nilang walisin ang huling dalawang laro para manatiling buhay ang pag-asa sa semis berth.

 “If you look at the game we were playing tight in the first half, but when we settled down, we were able to dispose of a very good team. Well, of course, we are happy to reach the Final Four, but we’ve been doing that for the last two years. Hopefully, we can improve our finish this year,” sabi ni Adamson coach Franz Pumaren.

Hindi rin nagpahuli ang De La Salle Green Archers matapos wakasan ang pag-asa ng National University Bulldogs na makapasok sa susunod na round sa pamamagitan ng  kanilang , 84-77 panalo upang itakas  ang pang-walong panalo sa 12 laro.

ADAMSON SOARING FALCONS UAAP MEN’S BASKETBALL T
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with