Humugot si guard D'Angelo Russell ng 13 sa kanyang 21 points sa se­cond half para tulungan ang Brooklyn Nets sa 122-97 pananaig sa 76ers.
NBA.com
Nets nilambat ang 76ers
(Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2018 - 12:00am

NEW YORK -- Sadyang malas ang 76ers kapag hindi naglalaro sa kanilang homecourt sa Philadelphia.

Humugot si guard D'Angelo Russell ng 13 sa kanyang 21 points sa se­cond half para tulungan ang Brooklyn Nets sa 122-97 pananaig sa 76ers.

Pinuwersa ng Nets ang 76ers sa 28 turnovers, ang pinakamarami nga­yong season para ilista ang 39-point lead.

Ito ang pang-limang sunod na kamalasan ng Philadelphia sa labas ng kanilang tahanan.

Nagdagdag sina Rondae Hollis-Jefferson at Caris LeVert ng 21 at 20 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Brooklyn na itinala ang 41-point advantage sa third quarter na pinakamalaki sa Barclays Center history.

Inilabas ni 76ers coach Brett Brown sina Joel Em­biid at Ben Simmons sa gitna ng final period matapos mahulog sa 24-point deficit sa Nets.

 Sa Los Angeles, naiko­nekta ni Serge Ibaka ang una niyang 14 shots patungo sa pagpoposte ng career-high na 34 points at hindi na kinailangan ng Toronto Raptors ang serbisyo ni injured Kawhi Leonard para angkinin ang 121-107 panalo laban sa Lakers.

 Sa Portland, nagsumite si Jusuf Nurkic ng 19 points at 12 rebounds at pinayukod ng Trail Blazers ang Minnesota Timberwolves, 111-81.

76ERS BROOKLYN NETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with