Hinawi ni Blazers guard Damian Lillard si Rockets center Clint Capela para makalusot.
Rockets sabog sa Blazers
(Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2018 - 12:00am

HOUSTON -- Kumamada sina Damian Lillard at Jusuf Nurkic ng tig-22 points para banderahan ang Portland Trail Blazers sa 104-85 panalo laban sa Rockets.

Nalasap ng Rockets ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan at ikalawa nang mawala si James Harden dahil sa hamstring injury.

Sa kanilang season-long na five-game road trip ay maglalaro ang Houston na wala sina Harden at fellow starter James Ennis (right hamstring).

Kinuha ng Portland ang 23-point lead papasok sa fourth quarter patungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagdagdag si CJ McCollum ng 19 points para sa Trail Blazers, may 5-2 kartada ngayon.

Binanderahan ni Chris Paul ang Rockets mula sa kanyang 17 points at 9 assists sa kanyang ikalawang laro matapos ang two-game suspension dahil sa kanyang pakikipagrambulan kay Rajon Rondo ng Los Angeles Lakers.

Sa Oklahoma City, nag­­pasabog si Russell Westbrook ng 32 points at muling nakasagupa si Patrick Beverley sa 128-110 panalo ng Thunder laban sa Los Angeles Clippers.

Umiskor ang Thunder ng 39 points sa third period kumpara sa 10 markers ng Clippers at nagkaroon ng pormahan sa fourth quarter sa pagitan nina Westbrook at Beverley.

Pinuntirya ni Beverley ang kaliwang tuhod ni Westbrook na nagresulta sa kanilang technical foul.

Pinaghiwalay ng mga pulis ang dalawang koponan para maiwasan ang rambulan.

Nagkaroon si Westbrook ng tore lateral meniscus injury sa kanyang kanang tuhod noong 2013 playoffs nang sumugod si Beverly para agawin ang bola habang naghahanda ang Oklahoma City guard sa pagtawag ng timeout.

 Sa iba pang laro, tinalo ng Memphis Grizzlies ang Washington Wizards, 107-95 at binigo ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 129-112.

PORTLAND TRAIL BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with