^

PSN Palaro

NLEX sinilat ang Alaska sa bonus

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX sinilat ang Alaska sa bonus
Nabitawan man ang itinalang 14-point lead sa third period ay bumangon naman ang Road Warriors mula sa 10-point deficit sa fourth quarter patungo sa 116-110 overtime win laban sa Aces sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
PBA images

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpapa­lakas sa kanilang tsansa sa quarterfinal round ay ang pagdiskaril ng NLEX sa pagdakma ng Alaska sa ‘twice-to-beat’ incentive.

Nabitawan man ang itinalang 14-point lead sa third period ay bumangon naman ang Road Warriors mula sa 10-point deficit sa fourth quarter patungo sa 116-110 overtime win laban sa Aces sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinapos ng NLEX ang kanilang tatlong sunod na kamalasan para itaas ang 5-5 baraha habang nagwakas naman ang two-game winning run ng Alaska para sa 7-3 marka.

Itinayo ng Road Warriors ang 70-56 abante sa 5:09 minuto ng third quarter hanggang makatabla ang Aces sa pagtatapos ng nasabing yugto 77-77 mula sa pinakawalang 21-7 atake.

Itinala ng Alaska ang 10-point advantage, 94-84 sa 5:40 ng final canto hanggang igiya ni import Aaron Fuller ang NLEX sa extension, 99-99.

Huling napasakamay ng Aces ang abante sa 110-109 mula sa basket ni Chris Banchero sa 1:06 minuto ng laro kasunod ang three-point shot at apat na free throws ni JR Quiñahan para sa 116-110 abante ng Road Warriors sa huling 9.4 segundo.

PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user