^

PSN Palaro

Bolts dumadaloy pa ang liwanag

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts dumadaloy  pa ang liwanag
Dumiretso ang Bolts sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos patumbahin ang Rain or Shine, 91-82 para makasilip ng pag-asa sa quarterfinal round ng 2018 PBA Go­vernor's Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Humihinga pa ang Meralco.

Dumiretso ang Bolts sa kanilang ikatlong sunod na panalo matapos patumbahin ang Rain or Shine, 91-82 para makasilip ng pag-asa sa quarterfinal round ng 2018 PBA Go­vernor's Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itinaas ng Bolts ang kanilang baraha sa 4-6  habang nalaglag naman sa kanilang ikalawang dikit na kabiguan ang Elasto Painters (2-6).

"In the past few games namin 'yung defense talaga ang nagiging difference sa game namin," sabi ni point guard Mike Tolomia, nagtala ng 17 points at 6 assists para sa Meralco, nagmula sa 94-88 paggulat sa Magnolia.

Nauna namang nakalasap ang Rain or Shine ng 84-100 pagkatalo sa sibak nang Columbian noong Biyernes.

Dikitan ang naging labanan hanggang sa 74-74 matapos ang basket ni Gabe Norwood para sa Elasto Painters hanggang kumamada ang Bolts ng maikling 8-0 atake para sa kanilang 82-74 bentahe buhat sa three-point shot ni Tolomia sa 4:30 minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang free throws mula sa flagrant foul penalty 1 ni Rain or Shine forward Jewel Ponferrada at drive ni Chris Newsome ang nagbigay sa Meralco ng 10-point lead, 86-76 sa huling 3:09 minuto ng laro.

Tuluyan nang sinelyuhan ni two-time PBA Best Import Allen Durham ang panalo ng Bolts sa kanyang basket para iwanan ang Elasto Painters sa 90-77 sa nalalabing 1:53 minuto ng labanan.

Tumapos si Durham na may 19 points para sa Meralco habang nagdagdag sina Cliff Hodge, Newsome, Anjo Caram at Reynel Hugnatan ng 14, 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Meralco 91 - Durham 19, Tolomia 17, Hodge 14, Newsome 12, Caram 11, Hugnatan 10, Salva 4, Amer 2, Jamito 2, Ballesteros 0.

Rain or Shine 82 - Torres 16, Watson 14, Nambatac 13, Daquioag 10, Ponferrada 7, Ahanmisi 7, Yap 7, Norwood 6, Borboran 2. 

Quarterscores: 19-19; 44-43; 65-65; 91-82.

vuukle comment

2018 PBA GO­VERNOR'S CUP

RAIN OR SHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with